Isang mananahi sa Rizal, isang tindero ng isda sa Pasig, at isang tricycle driver mula sa Zambales ang mga nadagdag sa listahan ng mga nanalo ng jackpot prize sa lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Sa website ng PCSO, inihayag nito na mula sa Taytay, Rizal ang mananali na nanalo ng mahigit P21 milyon jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw noong November 4, 2022. Tinamaan ng masuwerteng mananaya ang lumabas na kombinasyon ng mga numero na 16-13-02-19-11-07. Edad umano ng mga anak ang tinayaan na numero ng 39-anyos na ginangna dating may patahian pero bumagsak nang magkaroon ng pandemic. Itinuturing ng ginang na malaking biyaya ang pagtama niya sa lotto matapos ang sunod-sunod na dagok na dumating sa kanilang buhay.
Samantala, sa hiwalay na pahayag ng PCSO, sinabing P24.684 milyon na jackpot prize naman sa Lotto 6/42 draw noong October 25, 2022, ang tinamaan ng 35-anyos na fish vendor mula sa Pasig City.